to be continued....
Friday, October 03, 2008
to be continued....
Saturday, August 09, 2008
maari bang mamalimos ng pag-ibig at mabigyan ng pantay o higit pa sa hinihiling? at paano kung naambunan ka nga ng pagmamahal, ngunit ito ay hindi parin sapat? pagpapatuloy mo pa rin ba ang pamamalimos? maari bang matutunang mahalin ang isang tao na hindi natin gusto?
hindi hustong gamitin ang salitang palimos sa sitwasyong ito, pero wala na akong ibang maisip pa. sa kalsada, habang may namamalimos ng pera, naaawa tayo dahil sa kalagayan, kakulangan at pangangailangan nila - na minsan, hindi natin sila mabigyan ng sapat sa kanilang pangangailangan. ngunit maski barya-barya lang ang naibibigay natin, ay malaking pasasalamat na rin ng iba sa atin. pero minsan naman, napapababayaan na lang natin sila dahil ito ay naging pangkaraniwang tanawin na lamang - at hindi na natin sila napapansin.
pero paano kung hindi natin mabigay sa isang tao ang hinihiling nilang pagmamahal? ano ang dapat gawin? maawa na lang ba? iiwasan at pababayaan rin ba sila, katulad ng ginagawa sa mga nanlilimos ng pera?
sa pag-ibig, hindi dapat magbigay ng kulang at pira-pirasong pagmamahal. hindi rin naman maibibigay ng isang beses lang ang kabuoang pagmamahal sa isang tao. ang kabuoang pagmamahal ay umuulad sa pagdating ng panahon - hindi ito basta basta na lang makukuha sa pang-isahang pagkakataon lamang.
paano ba hindi magmahal? minsan, kailangan muna itong matutunan. at bakit nga namang dapat matutong hindi magmahal kung ito ang pinakamimithi ng lahat? dahil ba may nakahawak na sa kamay nya; dahil ba pagkakaibigan lang ang turing nya; dahil ba karibal ang kaibigan; dahil ba hindi ibinabalik ang pagmamahal.
hindi ako inosente sa bawat sitwasyon na nabanggit. pero ako ay natututo na. ibinabahagi ko lang ang mga ito dahil masasaktan lamang ang magpapatuloy ng pagibig sa ganitong sitwasyon. minsan talaga bago magmahal, matuto muna na 'wag. masakit sa puso... masakit ang may kahati; masakit ang hindi pantay na pagmamahal; masakit mawalan ng kaibigan; masakit ang mamalimos ng pag-ibig na hindi nabibigyan.
itutuloy...
Thursday, July 17, 2008
hatol.
xxxx,
hindi husto kung kanino man ang hindi masuklian ng pantay na pagmamahal.
hindi ko alam kung nararapat na masaya ako sa mga sinasabi mo at nararamdaman. dapat masaya dahil nandyan ka at nagmamahal sa akin, pero nalulungkot ako dahil ito ay hindi ko masuklian. dahil sa ngayon, ang tunay kong nararamdaman sa iyo ay pawang pangkaraniwang pagkakaibigan lamang. hindi ko mapapantayan ang pagmamahal mo sa akin. ito ang totoo kong nararamdaman. hindi kita masisi kung iwasan at kamuhian mo ako... pero sana, sa pagdating ng panahon ay ang nararamdaman mong pagkamuhi ay maglaho at mapalitan sa pagpatuloy ng ating pagkakaibigan.
sa ngayon, xxxx, pawang pang-kaibigan lang ang turing ko sa iyo.
verj
Saturday, July 05, 2008
namamaalam muna...
... hindi ko alam. pero sa ating paghihiwalay, sigurado na ang lahat ay mananatili - ang magandang relasyon na hindi nadampihan - malinis sa selosan at pagkamuhi. hindi husto sa atin na magkarelasyon na lagi na lang may salubong na mga tanong at aregluhan
ikaw ay magiging parte ng aking buhay magpakailanman. salamat sa pagbahagi ng buhay mo sa akin. lagi kong matatandaan ang mga nakalipas na buwan at taon na may ngiti at pananabik.... pero kailangan na nating pumanaw. takot tayong manatili dahil baka may masira na pagka ganda-ganda - ito'y baka isang parte mo o sa akin, o ang ating pagkakaibigan mismo.
paalam na.
Sunday, June 29, 2008
sigurong pagmamahal
Ikaila man natin na hindi tayo nagkakagustuhan
alam nating dalawang na ito'y matinding kasinungalingan
dahil ang naramdaman natin ay iba sa ordinaryong pagkakaibigan
siguro tayo ay takot na masaktan
dahil malayo na ang tahanan natin sa isa't isa.
(ngayo'y tayo'y hindi na magkapiling)
siguro pinoprotektahan natin ang ating pagkakaibigan
at ito na nga siguro ang dapat nating gawin.
siguro naalala lang natin ang ating nakaraan -
ang ating masayang pinagsamanahan
(nananabik lang tayo sa isa't isa)
siguro sa ngayon dapat ay hintayin natin
tulad ng dati ang tunay nating nararamdaman sa isa't isa.
itutoloy...
Thursday, September 15, 2005
Bakit ba ang malas ko? Bente Quatrong taon na akong nagiisa, naghihintay at naghahanap sa kanya. Bakit laging kapag may nahanap na ako ay may nakahawak na sa kamay nya? At kapag nalaman ito ay huli na dahil hindi na mapigilan ang nararamdaman.
